NAGA CITY- Arestado ang magkasintahan sa isinagawang drug buy bust operation sa Naga City.

Kinilala ang mga suspek na sina Rudel Bal, ng Brgy. Dayangdang at si Joan Elaine Buenaobra, 33-anyos, ng Brgy. San Felipe ng lungsod

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Naga City Police Station, napag-alaman na nakumpiska sa mga ito ang anim na sachet ng pinaniniwalaang shabu na tinatayang nasa P170,000.00 ang halaga.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad an mga suspek para sa karampatang disposisyon habang nagpapatuloy ang imbestigasyon hinggil sa naturang pangyayari.