TUGUEGARAO CITY – Nasa kustodiya ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 2 ang magkapatid na nahuli dahil sa pagtatago ng mga baril, mga bala, granada at marijuana.

Sinabi ni P/Cpt. Ponciano Taliping, hepe ng PNP Rizal, sa isinilbing search warrant ng CIDG Region 2 at Nueva Vizcaya katuwang ang PNP Rizal, Cagayan nakuha sa bahay ni Eduardo Datul, dating kapitan ng Barangay Laffug ang isang baril, mga magazine, 28 bala at marijuana.

Habang nakuha naman sa bahay ng kanyang kapatid na si Virgilio ang isang baril, isang granada, mga magazine at 111 na mga bala.

Sinabi ni Taliping na maaaring natuo