TACLOBAN CITY – Pinaglalamayan na ang tatlong magkapatid matapos masawi ang mga ito sa nangyaring pananaga at pamamaril sa Purok 5, Barangay Tinambacan Norte.

Kinilala ang mga namatay na sina Renato Velasco, Teresita Walker at Romeo Velasco, nasa hustong gulang at residente ng naturang lugar.

Maliban sa mga napatay, apat ang naitalang sugatan kasama ang pitong taong gulang na bata.

Ang mga suspek naman ay nagngangalang Mario Sayson, Vicente Labonite, Helen Labonite at Angelo Jabonero.

Ayon kay Capt. Gracela Sabas, tagapagsalita ng Calbayog-Philippine National Police, magpinpinsan ang mga suspek at biktima at away lupa ang pinag-ugatan ng madugong insidente.

Sa ngayon inihahanda na ang karampatang kaso laban sa mga suspek.