-- Advertisements --
Posibleng hindi makapaglaro ng ilang linggo si Orlando Magic forward Jonathan Isaac.
Ito ay matapos magtamo ng anterior cruciate ligament (ACL) sa kaniyang kaliwang tuhod.
Nakuha nito ang injury sa last quarter ng laban nila ng Sacramento Kings.
Nagtapos lamang ito ng 4 points, apat na assists at tatlong rebounds.
Ayon sa koponan, sumailalim ito sa MRI matapos ang laro.
Hindi pa tiyak ng team kung kailang ito makakabalik sa court.
Naging pang-anim na overall pick noong 2017 NBA Rookie Draft si Isaac.
May average ito ng 11.9 points, 6.8 rebounds at 2.3 blocks kada laro.