-- Advertisements --
Nasa bahagi na ng Bulacan ang sentro ng binabantayang low pressure area (LPA).
Ayon sa Pagasa, ito ang sanhi ng maghapong pag-ulan sa Metro Manila at mga karatig na lugar, na nagresulta ng pagbaha sa low lying areas.
Namataan ang namumuong sama ng panahon sa bisinidad ng Donya Remedios Trinidad, Bulacan.
Kabilang sa mga nakapagtala ng malakas na buhos ng ulan ang Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Western at Central Visayas, Zamboanga Peninsula, Nueva Vizcaya, Quirino, Isabela at mainland Cagayan.
Sa kasalukuyan, maliit pa rin ang tyansa nitong lumakas bilang bagong bagyo.