-- Advertisements --

Umaasa ang OCTA Research group na magiging maganda ang Pasko para sa mga Pilipino ngayong taon ngayong nakikita nila ang “end-game” para sa latest COVID-19 surge sa bansa.

Ayon kay OCTA fellow Dr. Guido David, maaring bumaba ang 7-day average sa NCR sa hindi lalagpas sa 1,000 kada araw bago pa man sumapit ang buwan ng Nobyembre.

Sa kasalukuyan, nabatid na ang 7-day average sa NCR ay 3,120 pa.

Sa kanilang projection na ito, sinabi ni David na posibleng pagsapit ng Nobyembre ay nasa low risk na ang NCR, na siyang epicenter ng pandemya sa Pilipinas.

Kamakailan lang ay kinumpirma ng Department of Health na ang bilang ng daily COVID-19 cases sa bansa ya bumababa na.