-- Advertisements --
Nakarating na sa israel ang dalawang bihag na pinkawalan ng mga Hamas.
Ang mga ito ay mag-inang Russian-Israel na sina Irina Tati, 73-anyos at anak nitong si Yelena Trupanov, 50-anyos.
Ang mag-ina ay mga Russian immigrants na naninihrahan sa Israel kung saan ang ina ay doktor habang ang anak nito ay nagtatrabaho sa isang kumpanya ng pintura.
Napatay ng mga Hamas noong Oktubre 7 ang asawa ni Yelena.
Pagkarating ng dalawa sa pamamagitan ng Red Cross sa Israel ay dinala muna ang mga ito sa pagamutan.
Sila na ang ikaanim na batch sa huling araw na pinalawig na ceasefire ng Israel at Hamas.
Naniniwala ang Israel Defense Forces na mayroon pang mahigit 160 na bihag ang hawak ng mga Hamas.
















