-- Advertisements --

Arestado ang mag-asawa sa Virginia dahil umano sa pagbenta ng mga nuclear secrets sa ibang bansa.

Ayon sa US State Department inaresto nila si US navy nuclear engineer Jonathan Toebbe at asawa nitong si Diana sa West Virginia.

Ibinebenta umano nila ang nuclear submarine design data na nakatago sa peanut butter sandwich sa isang tao na mula sa ibang bansa na isa pa lang undercover agent ng FBI.

Dahil dito ay mahaharap ang 42-anyos na si Toebbe at 45-anyos na asawa nito sa paglabag sa Atomic Energy Act.

Nagtatrabaho si Toebbe sa nuclear propulsion programme at mayroong national security clearance ito.

Base pa sa imbestigasyon ng US State Department na noon pang 2020 ay nagbenta na si Toebbe ng mga package sa ibang bansa na naglalaman ng mga restricted data at mensahe.