-- Advertisements --

NAGA CITY- Sa kulungan ang bagsak ng mag-asawa na umanoy nagbebenta ng Illegal na droga sa pamamagitan ng isinagawang search warrant ng mga otoridad sa Barangay Balaogan, Bula, Camarines Sur.

Kinilala ang mga suspek na sina Melencio Dollizon Jr. alyas “Bungaw”, 55-anyos at ang asawa nito na si Gina Dollizon, 45-anyos residente ng nasabing lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PCpl Cecilio Buendia Jr., tagapagsalita ng Bula MPS sinabi nito na isa umano sa mahigpit na minamanmanan ng mga otoridad ang nasabing mga suspek.

Ayon kay Buendia, narecover sa mga suspek ang 12 piraso ng heat sealed transparent plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu at drug paraphernallia na nag kakahalaga ng P35,000.

Nabatid na dati ng kasama sa mga drug surrendereee ang mg suspek ngunit bumalik ito sa pagbebenta ng nasabing pinagbabawal na gamot na kalaonan ay dinarayo narin ng kanilang mga costumer.

-- Advertisement --

Dagdag pa nito na napag-alaman rin na isa umano ang nasabing mga suspek sa kinokonsidera bilang malaki kung magbenta ng illegal na droga.

Sa ngayon nasa kustodiya na ng mga otoridad ang mga suspek habang hinahanda na ang kasong isasampa laban dito.