covid 1

Arestado ang mag-ama dahil sa pagbebenta ng mga pekeng gamot na pangontra umano sa COVID 19.

Nakilala ang mag-ama na sina Ismael Aviso at anak na si Ismael Aviso Jr., ng Navotas City.

Ayon report ang nakatatandang Aviso ay siyang Inventor ng Motionless Electric Generator noong 2011.

Sila ay inaresto ng pinagsanib na puwersa ng Regional Anti-Cyber Crime Unit ng Region 4A na pinamumunuan ni PCol. Julius Suriben at mga tauhan ng Northern Police District (NPD) sa entrapment Operation matapos tanggapin ang marked money na P7, 500.00 pesos.

Kumilos ang PNP ACG, matapos makatanggap ng reklamo na may nagbebenta online  ng gamot para labanan ang COVID-19 .

covid2

Si Ismael Aviso Sr ay dalawang beses na binalaan ng FDA noong August at September 2019 dahil sa pagbebenta ng mga pekeng gamot kontra dengue.

Nahaharap ngayon sa patong patong na kaso ang mag-amang Aviso.

Kasong Estafa, paglabag sa RA 9711 o ang Food and Drug Administration Act of 2009 at Cyber Crime Prevention Act.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng PNP ang mag-ama habang hinahanda ang kaso.