Nabawasan pa ang mga players mula sa pool ng Philippine men’s basketball team na sasabak sa unang window ng FIBA Asia Cup qualifiers makaraang umatras na rin si Blackwater forward Mac Belo.

Ayon kay team manager Gabby Cui, sasailalim sa rehabilitation ang tuhod ni Belo na tatagal ng dalawang linggo.

Isa si Belo sa limang players na hindi dumalo sa unang ensayo ng Gilas noong Huwebes, kasama nina Ray Parks, Justine Baltazar, Matthew Wright at Japeth Aguilar.

Una na ring umurong sa pool sina Aguilar na kasalukuyang nasa honeymoon, at si Christian Standhardinger bunsod naman ng kanyang kaliwang tuhod.

Sinabi na rin ni Gilas program director Tab Baldwin na hindi na sila magdadagdag pa ng bagong players sa pool.

-- Advertisement --

Ibig sabihin, nananatiling opsyon sina Marc Pingris, Poy Erram at Troy Rosario, maging ang mga non-pros na sina Baltazar at Isaac Go sa frontline.