-- Advertisements --
lula da silva brazil
Luiz Inácio Lula da Silva

Panalo si Luiz Inácio Lula da Silva bilang bagong presidente ng Brazil’ sa katatapos lamang na presidential election.

Mistulang ga hibla ang naging kalamangan ni Da Silva na kilala mula sa left-wing laban sa incumbent president na Jair Bolsonaro.

Kaya naman hanggang ngayon ay hindi pa rin nagko-concede si Bolsonaro na siya ay talo na.

Posible pa rin daw na kwestyunin niya ang resulta ng halalan.

Ayon sa election authority ng Brazil si Da Silva ay nakakuha ng 50.8 percent ng votes kumpara sa 49.2 percent na nakuha naman ni Bolsonaro sa halalan.

Kung maalala si Lula na dati ring union leader ay naging dating presidente sa pagitan ng taong 2003 at 2010 o dalawang termino.

Sinasabing naging “stunning” ang comeback ng 77-anyos na politiko na nakulong na rin noon dahil sa corruption charges pero binaligtad naman noong nakaraang taon ng Supreme Court.

Ang inagurasyon ni Lula ay gaganapin sa January 1.

Samantala sunod-sunod namang nagpaabot nang pagbati ang maraming mga politiko sa iba’t ibang panig ng mundo sa pagkapanalo muli ni Lula.