-- Advertisements --
DOT bengzon
DOT USEC. BENITO C. BENGZON JR.
Usec., Tourism Development Planning

Umaabot na umano sa P70 billion hanggang P80 billion ang ikinalugi ng sektor ng turismo mula ng magsimula ang lockdown kaugnay sa COVID-19 pandemic.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinbabi ni Tourism Undersecretary for Tourism Development Benito Bengzon, bumagsak sa .40 percent ang tourists arrivals sa bansa sa first quarter ng taon.

Ayon kay Usec. Bengzon, sa Metro Manila na lamang ay umaabot sa 30,000 hanggang 40,000 hotel rooms ang naapektuhan sa COVID-19 at hindi na nakapag-accommodate ng mga guests maliban sa mga health workers at mga essential workers na doon pinatira ng gobyerno.

Sa kabila nito, patuloy naman daw ang pagbibigay assistance ng Department of Tourism (DOT) katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga manggagawa sa sektor ng turismo na nawalan ng trabaho simula noong ipatupad ang lockdown noong Marso.

Mahigit 155,000 tourism workers na uamno ang nakatanggap ng tulong mula sa gobyerno.

Boracay