Ipinag-utos ni Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao ang pahahanda sa mga patrol car ng ahensiya upang tumulong sa iba’t ibang humanitarian operations kasunod ng pagtama ng Super Typhoon Uwan.
Ayon kay Lacanilao, handang ideploy ang mga ito upang magdala ng relief packs sa mga malalayong lugar.
Maaari ring magamit ang mga ito upang mag-escort sa mga truck na magdadala ng relief goods upang masiguro ang mabilis at ligtas na pagdating ng mga pangunahing pangangailangan sa mga komunidad na nasalanta.
Ipinag-utos din ng opisyal ang paggamit sa mga sasakyan sa paglilikas kung kinakailangan, at pagbibigay ng transportasyon at suporta sa mga kagamitan at evacuees.
Ayon kay Asec Lacanilao handa ang LTO na ipagamit ang mga sasakyan at tauhan sa anumang paraan kasunod ng pagtama ng bagyo.
















