Pinagmumulta ngayon ng Land Transportation Office ang isang moto vlogger na nasangkot kamalian sa isang road rage sa lalawigan ng Zambales.
Batay sa pitong pahinang desisyon na ilibas ng LTO, si Yanna ay inatasang magbayad ng ₱5,000 dahil sa pagmamaneho ng motorsiklo ng walang side mirrors.
Maliban dito ay pinatawan rin ito ng multang ₱2,000 dahil sa reckless driving.
Ayon sa ahensya, ang kanyang lisensya ay mananatiling suspendido hanggat hindi ito sumusunod sa mga alituntunin ng LTO kabilang na ang utos na isuko ang motorsiklo na nasangkot sa road rage.
Una nang sinabi ni Yanna na ang motorsiklo na ginamit niya ay hindi nito pag-aari.
Sa imbestigasyon ng LTO, napatunayang guilty ito sa pag-overtake sa isang pick-up vehicle at iba pang violations.
Maliban dito ay sinuspinde na rin ng LTO ang reshistro ng motorsiklong nakapangalan sa naturang moto vlogger.