Pag-aaralan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang hiling ng ilang transport group na dagdagan ng dalawang piso (P2.00) ang pamasahe sa mga Public Utility Jeepney (PUJ) sa kada unang apat na kilometro.
Ayon kay LTFRB Chairperson Atty. Teofilo Guadiz III, kinikilala ng Ahensya ang karapatan ng mga operator at tsuper na nais maghain ng panukala hinggil sa dagdag-singil sa pamasahe para sa mga pasahero ng mga PUJ.
Dagdag pa nito na may mga factors na dapat pag-aralan ukol sa nasabing hirit na taas pasahe ng mga tsuper.
Magsasagawa aniya sila ng mga pulong sa susunod na linggo at tatalakayin ang nasbing hirit na taas pasahe.
Ilan kasi sa mga rason ng mga transport group kaya sila humirit ng taas singil sa pasahe ay dahil sa lingguhang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.