-- Advertisements --

Dismayado ang ilang mambabatas sa hindi pagsipot ni Vice President Sara Duterte sa budget deliberation ng Office of the Vice President sa Kamara.

Unang nagpahayag ng pagkadismaya si ML Party-list Rep. Leila de lima .

Naniniwala ang mambabatas na kawalan ng paggalang sa Kamara at konstitusyon ang hindi pagsipot ni Vice President Sara Duterte sa budget deliberation ng kanilang opisina

Tiniyak naman ng mambabatas na maghahain ito ng mosyon para mabawasan ang proposed budget ng OVP sa halip na isulong ang zero budget ng OVP.

Aniya, una na sitong ikinukunsidera ang pagtutulak ng zero budget sa OVP pero kinonsidera rin nito ang mga empleyado ng opisina.

Kinondena ni ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio ang hindi pagsipot ni VP Sara Duterte sa budget deliberation ng 2026 proposed budget ngayong araw sa Kamara.

Ang hakbang aniya ng bise ay malinaw na pambabastos sa taumbayan hindi lang ang Kamara at konstitusyon.

Tinawag ni Caloocan 2nd District Rep. EDGAR R. ERICE ang liham na ni Vice President Sara Duterte sa Kamara bilang inappropriate gayong ang focus lamang dapat nito ay ang budget ng kanyang opisina.

Naniniwala si Erice na ang mga mambabatas sa 20th Congress ay masigasig sa pagpapasa ng maayos at transparent na 2026 National Budget.

Sa naging speech naman ni Davao 3rd District Rep. Isidro Ungab , binigyang diin nito na nakaranas na nang malaking bawas ang ponso ng OVP mula pa noong 2024 at 2025.

Ito ang reaksyon ng mambabatas sa plano ng ilan sa kanyang mga kasamahan na maghain ng mosyon para bawasan ang pondo ng opisina dahil sa pagmamatigas ng bise.

Kinuwestyon ni Rep. Isidro Ungab ang patuloy na releases ng unprogrammed appropriations hanggang ngayon.

Huli namang nagsalita si Kabataan Party-list Rep. Renee Co.

Pinangunahan ng mambabatas ang mosyon sa pag terminate o pormal na pagtapos sa budget deliberation ng Office of the Vice President na agad namang sinigundahan ng kanyang kasamahan.

Sa kanyang maikling mensahe , sinabi rin nito na nakatakdang maghain ang Makabayan Bloc ng mosyon para mabawasan ang proposed 2026 budget ng OVP.