Nagpaalala ang LTFRB sa mga driver at operator ng pampasaherong transportasyon na hindi ito nag-iisyu ng “temporary permit” at ang sinumang nag-aangkin nito ay sangkot sa iligal na operasyon.
Ayon kay Chairperson Vigor Mendoza II, tanging Provisional Authority o Authority to Operate ang lehitimong dokumento para makapag-operate.
Hinikayat niya ang Transport Network Companies (TNCs) na bantayan ang kanilang mga driver at tiyaking sumusunod sa batas.
Binanggit ng LTFRB na ang pamimigay ng temporary permits ay matagal nang pinagmumulan ng katiwalian, kung saan umano ay humihingi ng bayad o komisyon ang ilang empleyado, at nagiging sanhi ng pagdami ng colorum vehicles, na kumukuha ng humigit-kumulang 30% ng kita ng lehitimong operator.
Upang solusyunan ito, pinapalakas ng LTFRB ang anti-colorum crackdown at pinapabilis ang approval ng mga pending applications para maiwasan ang iligal na operasyon.















