-- Advertisements --

Nanawagan ang Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga transport group na huwag ng ituloy ang kanilang balak na tigil pasada simula Nobyembre 20 hanggang 22.

Sinabi ni LTFRB Chairman Atty. Teofilo Guadiz III, na bukas ang kanilang opisina sa anumang pag-uusap.

Subalit kapag itinuloy umano nila ang nasabing tigil pasada ay mahaharap ang mga jeepney operators ng kaparusahan gaya ng pagtanggal ng prangkisa.

Magugunitang ikinasa ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) ang tatlong araw na Tigil Pasad bilang protesta sa itinakdang December 31 na deadline ng mga pampasaherong sasakyan na magpalista para sa modernization program ng gobyerno.