Tiniyak ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa publiko na sila ay nakahanda sa bantang tatlong araw na tigil-pasada ng ilang transport group kasabay ng ikalawang state of the nation address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay LTFRB Board Member Mercy Jane Leynes, na magpapakalat sila ng mga sasakyan para alalayan ang mga maaapektuhang mananakay.
Nakipag-ugnayan na sila sa Metro Manila Development Authority (MMDA) at ilang mga local government unit ukol sa nasabing ukol.
Nanawagan sila sa mga transport groups na huwag ng ituloy ang nasabing planong tigil-pasada at handa silang magsagawa ng pag-uusap.
Magugunitang ikinasa ng grupong Manebela ang tatlong araw na tigil-pasada bilang protesta sa LTFRB dahil sa pagpabor umano nila sa ilang mga prankisa.