Patuloy daw na makakaapekto ang Southwest Monsoon o Habagat sa kanlurang bahagi ni Southern Luzon, Visayas at Mindanao.
Ayon sa Pagasa, apektado rin ng rain showers ang Mimaropa, Bicol Region, Quezon, Batangas, Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao at Caraga region.
Makararanas din ang naturang mga rehiyon ng maulap na papawirin na mayroong kalat-kalat na rain showers at thunderstorms.
Nagbabala rin ang state weather bureau ng pagbaha at pagguho ng lupa na resulta sa katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan.
Iiral naman sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ang maulap hanggang sa maulap na papawirin na sasamahan ng isolated rain showers o thunderstorms dahil sa monsoon at localized thunderstorms.
Posible naman umanong pumasok ang isang low pressure area (LPA) sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong araw.
Ayon kay Pagasa weather forecaster Benison Estareja, ang LPA ay nasa layong 990 km, silangan ng Mindanao.
Bagamat papasok ito sa PAR pero hindi naman daw inaasahan ang pag-landfall.