-- Advertisements --

Lalo pang lumapit sa kalupaan ng Mindanao, partikular na sa Davao region ang binabantayang low pressure area (LPA).

Ayon sa Pagasa, namataan ang namumuong sama ng panahon sa layong 705 km sa silangan ng Davao City (7.0 °N, 132.2 °E).

Sa ngayon ay maliit pa rin ang tyansa nitong maging bagyo.

Pero maaari umano itong maghatid ng ulan, bago tuluyang malusaw.

Maliban dito, maaari ding magdala ng ulan at malamig na hangin ang northeast monsoon (amihan) na umiiral sa Luzon.