Lumawak pa ang apektado ng ulan at posibleng bahain dahil sa low pressure area (LPA).
Ito’y makaraang pumasok na ang namumuong sama ng panahon kalupaan ng Prosperidad, Agusan del Sur.
Ayon sa Pagasa, ramdam ang LPA mula sa Luzon hanggang Mindanao.
Kabilang sa nakakaranas ng malakas na ulan ang Bicol Region, malaking parte ng Visayas lalo na sa eastern at central portion, gayundin ang Caraga, Northern Mindanao at Zamboanga Peninsula sa Mindanao.
Kaugnay nito, pinakikilos na ng Pagasa ang publiko at Disaster Risk Reduction and Management Offices na maging alerto at gumawa ng agarang aksyon kung lulubha pa ang epekto ng matinding mga pag-ulan.
Sa ngayon may nakataas nang flood alert sa malaking parte ng Mindanao, dahil sa posibilidad na tumagal pa ang maulang panahon hanggang sa kabuuan ng maghapon.