-- Advertisements --

Patuloy na binabantayan ng Pagasa ang isang low pressure area (LPA) na nasa loob ng Philippine area of responsibility (PAR).

Ayon sa weather bureau, namataan ang naturang namumuong sama ng panahon sa layong 610 km sa silangan ng Guiuan, Eastern Samar.

Kung lalakas bilang panibagong bagyo, bibigyan iyon ng Pagasa ng local name na Isang, na magiging ika-siyam na sama ng panahon para sa taong 2021.

Samantala, umiiral pa rin ang hanging habagat na maaaring maghatid ng ulan sa malaking parte ng Luzon.