-- Advertisements --

Magdadala ng pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa ang habagat kahit nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang low-pressure area (LPA).

Mararanasaha ang maulap na papawirin at maulan na panahon sa malaking bahagi ng bansa dahil sa Southwest Monsoon o Habagat.

Base sa wind map ng Pagasa, malaki ang tiyansang makaranas ang buong bansa ng pag-ulan ngayong hapon hanggang gabi.

Dahil dito, pinaghahanda pa rin ng Pagasa ang ating mga kababayan sa posibilidad na pagkakaroon ng pagbaha at pagguho ng lupa dahil sa malakas na pag-ulan.

Mararanasan ngayong hapon sa Metro Manila ang malawakang pag-ulan.