Naging active low pressure area (LPA) na ang binabantayang namumuong sama ng panahon sa silangan ng ating bansa.
Ayon sa Pagasa, bagama’t nananatili pa rin ito sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR), tinatayang papasok pa rin ang LPA sa karagatang sakop ng ating bansa sa pagitan ng Disyembre 26 o 27, 2021.
Sa kasalukuyan, mayroon itong 60-70% na tyansang maging bagong bagyo.
Inaasahang mararamdaman ang epekto nito sa Mindanao sa gabi ng gabi ng Disyembre 29 o umaga ng petsa 30, 2021.
Pinaghahanda naman ang publiko, lalo na ang mga nasalanta ng typhoon Odette, dahil kahit mahina lamang ang LPA na paparating ay maaari pa rin itong magdala ng mga pag-ulan.
Maaari rin umanong magkaroon ng pagbabago sa pagtaya ng Pagasa, dahil naaapektuhan ang LPA ng iba pang umiiral na weather system sa paligid ng ating bansa.