-- Advertisements --

Makakaranas ng kalat-kalat na pag-ulan ang National Capital Region (NCR) at ilang bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao, ngayong araw ng Linggo.

Batay sa weather forecast ng PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration), ito ay dahil sa dalawang low pressure area (LPA).

Kabilang sa mga lugar na uulanin sa Luzon ay ang Quirino, Nueva Vizcaya, Central Luzon, CALABARZON (Cavite-Laguna-Batangas-Rizal-Quezon), MIMAROPA (Mindoro Oriental at Occidental, Marinduque, Romblon, Palawan), at Bicol Region.

Ayon sa PAGASA, aasahan ng mga nasabing lugar ang maulap na kalangitan at posibleng flash floods o landslide kapag natuloy ang malakas na pag-ulan.

As of 3 a.m. kanina, ang unang LPA ay namataan sa layong 815 kilometro sa silangan ng Borongan City, Eastern Samar.

Habang ang isa pang LPA ay namataan sa layong 120 kilometro sa silangan naman ng Calapan City, Oriental Mindoro.

Sa kabilang dako, ang ibang bahagi ng Luzon ay magkakaranas ng maulap na kalangitan na may isolated rain showers dahil sa localized thunderstorms.

Posibleng makaranas din ng flash floods o landslide kapag makaranas ng malakas na pag-ulan.