-- Advertisements --

Nagbabala ang Pagasa sa mga residente ng eastern section ng Luzon at Visayas, dahil sa posibleng paglakas ng isang low pressure area (LPA), bilang panibagong bagyo.

Huling namataan ang LPA sa layong 890 km sa silangan ng Mindanao.

Pumasok ito sa Philippine area of responsibility (PAR) nitong nakalipas na araw ng Linggo.

Kung magiging ganap na bagyo, bibigyan ito ng local name na “Vicky.”

Maliban dito, nakakaapekto naman sa Southern Luzon ang tail-end ng frontal system (shear line).

Habang hanging amihan naman ang naghahatid ng ulan sa Northern at Central Luzon.