-- Advertisements --

Isasailalim ang Department of Health Central Office sa Code White Alert para sa nalalapit na halalan sa Mayo 12.

Idedeklara ang Code White Alert simula sa araw ng Linggo, Mayo 11 at magtatagal hanggang Mayo 14, 2025.

Ito ay para matiyak ang kahandaan ng health facilities at personnel na reresponde sa anumang potensiyal na health emergencies bago, sa kasagsagan at pagkatapos ng araw ng halalan.

Tumutukoy ang Code White Alerts sa kahandaan ng mga ospital partikular na ng general at orthopedic surgeons, internists, operating room nurses, opthalmologists, at otorhinolaryngologists, para tumugon sa mga emergency situation.

Gayundin, dapat na nasa on-call status ang emergency service, nursing at administrative personnel na nasa hospital dormitory para sa agarang mobilization.