Hinimok ni Manila Cathedral rector, Msgr. Rolando dela Cruz ang mga mananampalatayang Katoliko na gawing inspirasyon ang mensahe ni Pope Leo XIV ukol sa pagtatayo ng tulay para magkalapit ang bawat isa.
Sa homily ni Msgr. dela Cruz, hinimok niya ang mga Katoliko na maging tulay para tumatag ang koneksyon at pagkakawanggawa ng bawat isa.
Paliwanag ng Manila Cathedral rector, ang bawat Katoliko ay dapat maging instrumento para mapatatag ang relasyon, at ugnayan ng bawat isa, sa halip na pairalin ang pagkawatak-watak at kaguluhan.
Akmang-akma aniya ang mensahe ng bagong santo papa ngayong panahon kung saan napakarami ang mga alitan at kaguluhan sa iba’t-ibang bahagi ng mundo.
Giit ni Mssgr Roland dela Cruz, ang Holy Spirit ang pumili sa bagong santo papa sa pamamagitan ng mga kardinal, upang ipagpatuloy ang misyon ng simbahan.
Ito aniya ay nagpapakita na hindi pinapabayaan ng Diyos ang simbahan, sa kabila ng tuluyang pagpanaw ni Pope Francis.