-- Advertisements --
Ganap nang naging bagyo ang binabantayang weather disturbance formation sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR).
Huli itong namataan sa layong 1,465 km sa silangan ng Northeastern Mindanao.
May taglay itong lakas ng hangin na 45 km/h malapit sa gitna at may pagbugsong 55 km/h.
Kumikilos ito nang pahilagang kanluran sa bilis na 15 km/h.
Inaasahang papasok ito sa PAR sa Miyerkules o Huwebes.