CLEVELAND – Nakabuwena mano ng panalo si Kevin Love sa kanyang muling pagbabalik sa Cleveland Cavaliers kontra sa Utah Jazz, 91-83.

Kung maalala nagkaroon ng injury si Love noong nakaraang buwan at sumailalim pa sa surgery sa kanyang kaliwang paa noong February 14.

Hindi nasayang ang 19 minutes na inilaro ni Love matapos na magtala ng 10 points.

Pero sa kabila nito minalas naman na hindi natapos nina Kyrie Irving at Iman Shumpert ang game dahil sa injury.

Dahil dito nagpursige na si LeBron James upang bitbitin ang team sa pamamagitan ng kanyang 33 points, kabilang na ang 17 puntos sa fourth quarter lamang.

Ito na ang ikalawang sunod na panalo ng Cavs, habang bago ito ay lumasap ang koponan ng apat na sunod-sunod na talo.

Si Irving ay hindi na nakalaro sa huling quarter dahil sa dinaramdam sa kanyang kaliwang paa, habang umalis naman ng game sa third quarter si Shumpert bunsod ng pilay sa kanyang left shoulder,

Samantala, nanguna sa Utah (43-26) si Rudy Gobert na may 20 points at 18 rebounds.

Hawak naman ngayon ng Cavaliers ang 45-22 na kartada.