-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Pinaniniwalaang walang foul play sa pagkamatay ng isang magsasakang lolo matapos itong matagpuang natusta sa kanyang sinunog na mga pinutol na damo sa gilid ng fish pond ng Brgy. Lombocan nitong lungsod ng Butuan.
Nakilala ang biktimang si Warlito Lopez Cumawas, 80-anyos, may asawa at residente ng Purok 12 ng nasabing barangay.
Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng Butuan City Police Station 3 na nakita pa ang biktima ng kanyang mga kapitbahay pasado alas-tres ng Biyernes ng hapon na nagsunog ng kanyang nilinis na mga damo.
Nang hindi na ito makita ng mga kaanak ay pinaghahanap na siya at dito na nakita ang kanyang bangkay na tustang-tusta.