Aabot sa 13,441 examinees ang inaasahang sasabak sa 2026 Bar Examinations na magsisimula ngayong araw, Setyembre 6.
Isasagawa ang pagsusulit sa loob ng tatlong araw, mula Setyembre 6, 9, at 13 sa 15 local testing centers na itinalaga ng Supreme Court sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Pinakamarami sa mga testing center ay nasa National Capital Region na may pito, habang tig-dalawa ang nasa Luzon at Visayas, at dalawa naman sa Mindanao.
Gaganapin ang Bar examinations sa digital format, bilang bahagi ng patuloy na paggamit ng teknolohiya ng Korte Suprema sa pagsusulit para sa mga nais maging ganap na abogado.
Batay sa datos ng Supreme Court, 14,291 ang nagparehistro para sa 2026 Bar Examinations, ngunit 13,441 lamang ang nakumpleto ang mga kinakailangang dokumento at na-clear upang mapabilang sa naturang pagsusulit.
Samantala, nakalatag na rin ang mga hakbang sa seguridad sa mga testing center upang matiyak ang maayos na pagsasagawa ng tatlong araw na pagsusulit.
Inaasahang pagtutuunan ng mga examinee ang anim na core subjects areas na bahagi ng Bar examinations, habang mahigpit namang ipatutupad ang mga panuntunan ng Supreme Court sa buong panahon ng pagsusulit.
Ngayong araw ang unang araw ng Bar examinations, kung saan magsisimula ang pagsubok ng libo-libong law graduates para makamit ang kanilang lisensya bilang mga ganap na abogado.
















