BUTUAN CITY -Nakakulong na ngayon ang isang senior citizen na responsable sa pamamaril-patay sa isang negosyante sa Purok 8, Barangay Taglatawan, Bayugan City, lalawigan ng Agusan del Sur ning nakalipas na gabi.
Ang suspek ay kinilalang si Rolando Hayag Arsenio, 67 taong gulang, residente ng naturang lugar.
Ayon sa ulat, naganap ang pamamaril bandang alas‑9:55 ng gabi kungsaaad agad na nakatanggap ng tawag ang pulisya mula sa mga residente kaya mabilis silang rumesponde. Ang biktima, si Alejandro Calang, 49 taong gulang at isang negosyante, ay dinala pa sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.
Sa isinagawang hot pursuit operation, nadakip ang suspek at narekober mula sa kanya ang isang .45 kalibreng pistola na may magazine.
Batay sa paunang imbestigasyon, matagal nang alitan ang pinaniniwalaang dahilan ng pamamaril.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Bayugan City Police Station ang suspek at isinampa na ang kaukulang kaso laban sa kanya.
















