LA UNION – Maaring umabot ng hanggang susunod na taon umano ang ipinapatupad na lockdown sa London dahil sa Covid 19.
Ito ang sinabi ni news correspondent Mel Dom Songcuan, tubo ng Barangay Ubbog sa bayan ng Bangar, La Union at nagtatrabaho ngayon sa Central London sa panayam ng Bombo Radyo La Union.
Ayon sa kanya, March 15 pa nung ipinatupad ang nasabing lockdown kung saan maliban sa 3 weeks na extension ay pinag-iisipan rin ng pamahalaan na ituloy-tuloy ito ng hanggang susunod na taon.
Sakaling ipatupad ito ay mas mahihirapan umano sila lalo na sa kanila na stay out sa trabaho dahil ipinagbawal sa kanila ang lumabas.
Bagamat pinapahintulotan nila ang mga tao na lumabas ay sa mga merkado lamang ito dapat na pumunta kung saan istrikto umano ang ipinapatupad na lockdown doon.
Sinabi pa nito na mayroon tulong mula sa pamahalaan ng Pilipinas na $200 o katumbas ng P10,000 para sa mga manggagawa na kabilang sa no work no pay.
Samantala, isang mag-asawa ang nagpositibo sa Covid 19 kung saan namatay ang ang lalaki dahil sa hindi umano nakapunta ng ospital sapagkat wala umanong hawak na permit.