-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Hinigpitan pa ng Municipal Inter Agency Task Force ang pagbabantay sa ilang lugar sa bayan ng Midsayap Cotabato na ni-lockdown.

Kulang umano ang nagbabantay at lumulusot sa mga eskinita ang ilang mga residente.

Matatandaan na kinatigan ang kahilingan ng LGU-Midsayap na isailalim sa lockdown ang piling lugar sa bayan, inaprobahan ng Regional Inter-Agency Task Force on Infectious Disease.

Kabilang sa isinailalim sa localized lockdown ay ang ilang business establishments matapos magpositibo ang ilan sa mga taong nakapasok sa mga ito.

Kasama ang ilang residential compounds sa Barangay Poblacion 1 at Barangay Poblacion 6, mga piling business establishments na matatagpuan sa old market bagsakan sa Brgy. Poblacion 5 na pagmamayari ng isang pasyenteng nag positibo sa COVID 19.

Tatagal ang lockdown hanggang Septembre 17.

Tiniyak naman ng pulisya katuwang ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) at mga opisyal ng barangay na papaigtingin pa nila ang pagbabantay sa mga lugar na isinailalim localized lockdown.