-- Advertisements --
ILOILO CITY – Hiniling ng Iloilo City Government sa National Inter-Agency Task Force (NIATF) na mapababa sa Alert level 2 ang status ng lungsod.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, sinabi nito na ang kanilang letter of appeal ay inindorso rin ng Regional IATF.
Ayon kay Treñas, ibibanase ng NIATF ang alert level status ng isang lugar sa Healthcare utilization rate.
Ngunit ayon sa alkalde, mahigit sa 50% ng mga pasyente sa mga ospital sa lloilo City ay mula sa ibang lalawigan.
Mahirap rin aniya ang mga transaksyon sa mga ahensya ng gobyerno dahil ang lungsod ay regional center.
Sa ngayon ay kasalukuyang Alert level 3 pa ang lungsod.