-- Advertisements --

Handang makipag-usap si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa sinumang kasama na si Vice President Sara Duterte para sa kapakanan at interest ng bansa.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Dave Gomez , ipinag-utos ng Pangulo sa mga opisyal ng gobyerno na tumutok sa resulta at hindi drama dahils a mga nagaganap na ingay sa pulitika bunsod ng anomalya sa flood control project.

Dagdag pa ni Gomez na makailang ulit niyang narinig ang pangulo na bukas ito na magkaroon ng pag-uusap sila ng Bise Presidente.

Nananatiling Bise Presidente si Duterte kaya nais ng pangulo ang pag-uusap para sa national interest.