-- Advertisements --

Posibleng ilabas na ni Gilas Pilipinas coach Norman Black ang listahan ng mga manlalaro nito na sasabak sa 33rd Southeast Asian Games.

Sinabi nito na sa Disyembre 3 ay maisasapinal na nila ang listahan na maglalaro sa Bangkok,Thailand.

Tanging nakakasama nila sa ensayo ay sina Jamie Malonzo, Robert Bolick, Abu Tratter, Von Pessumal, Matthew Wright, Veejay Pre at Thirdy Ravena.

Habang si Ray Parks ay nakatakdang humabol matapos ang paglalaro nito sa Japan B-League.

Unang makakaharap ng Gilas Pilipinas ang Malaysia sa darating na Disyembre 14.