Nanawagan ang Malacañang para sa ligtas na reopening ng tourism industry sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, ang marching order ni Pangulong Rodrigo Duterte ay unti-unting pagbubukas ng ekonomiya kasama na ang tourism sector basta matiyak na nakalatag ang health and safety protocols.
Ayon kay Sec. Roque, ang Department of Tourism (DOT) ay nakikipag-ugnayan na sa mga local government units (LGUs) para madetermina kung kailan maaaring ibalik ang tourism operations sa kanilang lugar.
Inihalimbawa rito ni Sec. Roque ang Baguio City na nakatakdang muling tatanggap ng mga turista mula Ilocos Region simula Setyembre 21.
Kaya dapat daw magkaroon ng mahigpit na koordinasyon ang national government at LGUs kaugnay sa pagpapatupad ng mga health and safety protocols sa pagbibiyahe.
“The President’s marching order is to gradually reopen the economy, including the tourism sector, with the assurance that health and safety measures are in place,” ani Sec. Roque.
“We must, however, emphasize that there must be proper and close coordination between the national government and the LGUs regarding the implementation of health and safety protocols when traveling.”