CAGAYAN DE ORO CITY – Tutulong na rin ang asosasyon ng mga kapitan ng barangay para malaman ang motibo sa pagpaslang kay Napaliran Barangay, Capt. Claver Miral sa Punta Gorda, Balingasag, Misamis Oriental.

Sinabi ni Balingasag ABC President Cocoy Almendrala, magpapatawag siya ng emergency meeting sa lahat ng kanyang miyembro kasama ang mga pulis upang mapag-usapan ang posibleng motibo sa pagpatay kay Miral.

Ayon kay Almendrala wala siyang nalalaman tungkol sa natatanggap na banta sa napatay na kapitan.

Umaasa ang naturang ABC president na mapadali ang paglutas sa kaso upang mabigyan ng hustiya ang pagkamatay ng kanilang kasamahan.