-- Advertisements --

NAGA CITY- Kasabay ng mas pinahigpit na enhanced community quarantine dahil sa COVID-19, isang lider ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa mga otoridad sa probinsya ng Quezon.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na una ng nakatanggap ng impormasyon ang mga otoridad na isang miyembro ng rebelde ang planong magbalik loob na sa gobyerno.

Dahil dito, agad namang nagsagawa ng negosasyon ang mga tropa ng 85th IB, Philippine Army at kapulisan sa kinilalang si Ka MAR na residente ng Brgy San Antonio Pala, Catanauan Quezon.

Kaugnay nito, agad naman na dinala ang nasabing lider kay Mayor Erwin Matt Florido, Local Chief Executive ng General Luna, Quezon.

Si Ka MAR ang kinikilalang isang Vice-Squad Leader Platoon SOL ng mga rebeldeng grupo sa Region 4A.

Kinumpirma naman nito na embwelto ito sa serye ng engkwentro kontra sa tropa ng gobyerno sa 3rd at 4th District ng Quezon Province.