CAUAYAN CITY – Tinatayang 6,000 rapid test kits at 2,000 swab test kits ang inihahanda ng Lolak na pamahalaan ng Santiago City upang matiyak na sapat ang kagamitan dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 positive patient sa region 2.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni City Mayor Joseph Tan na patuloy ang pagdami ng mga nagpopositibo sa COVID-19 kaya’t kinakailangan pang bumili ng karagadagang rapid test kits at swab test kits ang Pamahalaang Lungsod.
Sinabi ng punong lunsod na sapat ang mga hotel quarantine facility na inilatag ng LGU Santiago bagamat ang ilang may-ari ay nag-aalangan na gawing quarantine facility ang kanilang mga hotel dahil maaaring matakot ang kanilang mga kliyente.
Anya malaking pondo rin ang kanilang inilaan para sa Locally Stranded Individuals at Returning Overseas Filipinos sa Santiago City.
Sa kasalukuyan ay mayroon nang 3,474 katao ang sumailalim sa rapid test sa Lunsod ng Santiago at 1,399 ang sumailalim sa RT PCR swab test.
Pinakamaraming bilang ng sumailalim sa PCR TEST ay ang manggagawa ng isang Construction Site sa Santiago City na nakapagtala ng apat na positibo sa COVID-19.