Nagsaoli ng higit isang daang milyong halaga ng pera si former Department of Public Works and Highways District Engineer Henry Alcantara ngayong araw sa Department of Justice.
Mapapansin sa kuhang video ng Bombo Radyo Philippines sa loob ng kagawaran ang bulto-bultong pera na personal isinaoli mismo kasama ang abogado ng dating opisyal.
Ayon kay Justice Acting Sec. Fredderick Vida, aabot sa 110 million pesos ang kabuuang halaga ang itinurn-over ni Alcantara sa kagawaran.
Aniya’y ang limpak-limpak na perang idinala ni Alcantara ay mula sa kanyang mga ninakaw o nakuha sa maanomalyang flood control projects ng pamahalaan.
Bahagi raw ito sa sinasabing ipinangakong ‘restitution’ na may kabuuang halaga naman na 300-milyon piso ayon sa kalihim.
Dagdag pa ng kalihim na ang ganitong hakbang ginawa ni Alcantara na mga sangkot sa flood control scandal ay kabilang sa mga kondisyon para mapili bilang ‘state witness’.
Ngunit kanyang iginiit na hindi nangangahulugang awtomatikong testigo ng estado na agad si Alcantara dahil lamang nagsaoli siya ng nakaw na yaman.
Alinsunod rito’y ibinahagi Justice Acting Secretary Fredderick Vida na bibilanganin pa ng banko ang limpak-limpak na pera matiyak lamang ang kabuuang bilang nito.
Maging pagbeberipika kung tunay itong mga pera ay ipinauubaya na rin ng kagawaran sa banko at Bureau of Treasury ang pagsusuri sakaling peke man ang itinurn-over ni Alcantara.
Umaasa ang kampo ni Alcantara na makatutulong ang pagsasaoli ng pera para mapili siya bilang state witness sa kaso.
















