-- Advertisements --

Pinalalaya na ni US President Joe Biden ang libu-libong mga bilanggo na nakulong dahil sa marijuana sa ilalim ng Federal Law sa Estados Unidos.

Ayon kay Biden, ang pagpapatawad sa pagkakasala ng libu-libong mga gumagamit ng marijuana ay pagpapagaan sa problema o dagdag-isipin sa mga nahatulan.

Samantala, ayon sa mga opisyales, ang pagpapawalang-bisa o pagpapatawad ay hindi maaaring mai-apply sa mga nahatulan sa mga nagtitinda at nagpapakalat ng marijuana.

Dagdag naman ni Pres. Biden, wala na raw oras pang bantayan ng mga opisyales sa bilangguan ang mga taong gumagamit lang ng marijuana lalo na at hindi umano pantay ang pagpapatupad sa batas hinggil dito.

Kinwestyon din ng presidente kung bakit ipinapareho ang kategorya ng marijuana sa iba pang mas delikado umanong iligal na droga.

Kaya naman hinimok ni Biden ang mga gobernador na sundin ang kanyang kautusan para doon sa mga taong nahatulan ng paggamit ng marijuana.

Lalo na raw at maraming estado na sa Amerika ang ginawang legal ang medical marijuana.

“As I’ve said before, no one should be in jail just for using or possessing marijuana. Today, I’m taking steps to end our failed approach. Allow me to lay them out,” bahagi ng statement ni Pres. Biden. “Sending people to jail for possessing marijuana has upended too many lives – for conduct that is legal in many states. That’s before you address the clear racial disparities around prosecution and conviction. Today, we begin to right these wrongs.” (with report from Bombo JC Galvez)