-- Advertisements --

Itinuturing ni Gilas Pilipinas coach Tim Cone na ang panalo nila laban sa Jordan sa exhibition game ay isang pagsubok sa kanilang kalakasan para sa FIBA Asia Cup.

Sinabi ni Cone na kahit nagwagi sila laban sa Jordan sa score na 75-61 ay hindi pa rin sila pakampante sa paghaharap nila laban sa Chinese Taipei sa araw ng Miyerkules.

Dagdag pa nito na kakaiba ang mga laro sa mismong Asia Cup at ang dalawang exhibition games ay isang sukatan ng kanilang kahandaan.

Sa kasalukuyan ay mayroong dalawang panalo at wala pang talo ng Gilas sa exhibition games bago ang FIBA Asia Cup.

Magugunitang una nilang tinalo ang Macau Black Bears 103-98 nitong Hulyo 28.