DAVAO CITY – Muling pinaalalahanan ni Department of Interior and Local Government (DILG) regional director Alex Roldan ang mga opisyal ng local government units (LGUs) na kailangan nilang manguna para mapigilan ang mga investment schemes sa kanilang mga lugar.

Iginiit ni Roldan na kung walang gagawin ang LGUs mahaharap sa kaso ang mga opisyal.

Ayon pa kay Roldan dapat umanong i-report kaagad ang mga establisyemento na nag-aalok ng malaking tubo sa investment lalo na kung wala itong dokumento.

Samantalang nilinaw din nito na hindi nila pinagbabawalan ang mga indibidwal na magtayo ng investment schemes ngunit kailangan lamang na tiyakin na may permit ito na angkop sa kanilang itinayong negosyo.