CENTRAL MINDANAO- Naharang agad ng mga Frontliners sa border checkpoint sa Banisilan North Cotabato ang isang 43 anyos na lalaki na nagpositibo sa Coronavirus Disease (Covid 19).
Ang biktima ay residente ng Brgy Malinao Banisilan North Cotabato.
Ayon kay Banisilan Mayor Jesus Alisasis na agad namataan ang biktima ng mga frontliners kaya itoy hinarang at isinailalim sa thermal scanning.
Nakitaan agad ito ng sintomas ng Covid 19 dahil sa mataas na lagnat at may urinary tract infection (UTI).
Agad iniutos ng Alkalde na dalhin agad ang biktima sa isolation facility sa bayan ng Banisilan.
Makalipas ang ilang araw ay inilipat ang construction driver sa Cotabato Provincial Hospital dahil mataas parin ang kanyang lagnat.
Kinunan ng swab specimen ang biktima at nagpositibo sa Coronavirus Disease (Covid 19).
Nagpasalamat naman si Mayor Alisasis dahil sa maagap na aksyon ng mga Frontliners ay napigilan ang biktima na makauwi ng kanyang tahanan at hindi na nakahawa.
Isinailalim rin sa 14 day quarantine ang mga pulis at frontliners na nakasalamuha ng driver pati ang kanyang pamilya.
Nagsagawa naman ng contact tracing ang Department of Health (DOH) katuwang ang LGU-Banisilan sa mga nakasama sa trabaho ng biktima,mga nakasalamuha nito sa sasakyan habang papauwi na sa probinsya ng Cotabato mula sa Tagoloan Misamis Oriental.
Sa ngayon ay pinag-utos na ni Mayor Alisasis sa mga frontliners katuwang ang mga pulis,sundalo,BFP,MHO at mga volunteers na higpitan pa ang border checkpoint sa bayan ng Banisilan at Wao Lanao Del Sur kontra Covid 19 pandemic.