-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Karumaldumal ang sinapit na pagkasawi ng isang government nurse na nagsilbing frontliner sa labanan kontra COVID-19 nang madatnan ito ng pulisya na hubo’t hubad sa loob ng lodging house at nabalot ng maraming saksak ng kanyang katawan sa Valencia City,Bukidnon.

Kinilala ni Valecia City Police Station commander Lt Col Cipriano Bazar ang biktima na si Soriano Moreno,35 anyos,miyembro ng LGBT community at kasalukuyang nurse sa Bukidnon Provincial Hospital-Kalilangan nabanggit na probinsya.

Inihayag ni Bazar na batay sa inisyal nila na imbestigasyon na una umanong pumasok ang biktima sa kuwarto ng Versatile Lodging House at binigyang abiso ang front desk na mayroong dalawa itong kasamahan na susunod sa kanya.

Sinabi ng opisyal na tumambad na lamang sa room boys nang umalis na ang dalawang kalalakihan subalit hindi na nakalabas ang biktima at ito pala ay nabalot na ng mga saksak na maari na ikinamatay nito.

I-kino-konsidera ng pulisya na maaring hindi nagkaunawaan ukol sa bayarin o kaya’y mayroong namumuo na selos kaya humantong sa malagim na kremin.

Inamin ng PNP na hirap sila matukoy ang dalawang mga suspek maliban lamang sa pisikal na diskripsyon ng frontdesk dahil walang nakakabit na CCTV camera sa loob at labas ng lodging house.